Alas dose ng gabi naalimpungatan sa ingay na narinig ko mula sa kwartro ng kapatid ko pero nagtataka kung bakit gising pa ang aking kapatid samantalang tuwing alas otso ng gabi tulog na sya kaya agad akong pumunta sa kwarto ng kapatid ko pagbukas ko ng pinto nagulat ako dahil kinakausap ng kapatid ko ang isang doll na nagmula sa aking lolang namayapa na. Nagtataka ako kung bakit napunta sa kanya iyon samantalang matagal nang nasa bodega iyon ang alam ko may kwento na nakakakilabot manikang ito. ako nga pala rose 13 mula sa batangas.
~Roseann933
Huwebes, Oktubre 6, 2016
Bible Camp
Dali dali akong bumaba para tumabi sa dalawa, nagulat pa nga ako kasi apat pala sila dun! Hinayaan ko na lang, niyakap ko yung isa kahit na diring diri ako dahil ang lagkit tas amoy ewan pa. Nakatulog na lang ako sa naamoy ko. Gahd!
March 30, 2016
Pag gising ko by 8am, sobrang tahimik. Wala nang tao. Lumabas ako, walang tao. Nilibot ko yung garden, bawat rooms pati closet. Naiiyak na ko nun! Naalala ko yung main kitchen, takbo agad ako dun! Ayun, kumakain silang lahat. Tsk.
(Night)
9pm nang magdesisyon kaming matulog. Ako ulit mag-isa sa taas. Tatlo sa baba, anim sa floor. Nagising ako ng 2am dahil sa ingay, basa yung floor na pinaghihigaan nung anim, yung tubig? Galing sa closet. Dahil walang naglalakas loob na buksan. Ako to si kunyari matapang binuksan ko. Walang laman. Pero may tumatagas na tubig sa bawat gilid. Nagsimula na kaming matakot lalo na nung yung bintana sa taas tsaka yung isa pang bintana ay kumakalampag. Di kami makasigaw dahil baka patayin yung kuryente, nagpray kami, tumigil yung kalampag, tumigil yung agos ng tubig, pero nagpatay sindi yung ilaw. Siguro every 5 seconds patay yung ilaw then mabubuksan ng 1 seconds lang. Sa bawat pagbukas, may imahe kaming nakikita, sa bawat pagbukas papalapit ng papalapit. Tandang tanda ko pa, sa ika anim na pagpatay bukas ng ilaw, may isang hinihimatay. Tatlong beses naulit yun. Tatlo rin ang nawalan ng malay.
March 31, 2016
7am di pa rin binubuksan yung mga pinto namin. Nasa tabi pa rin namin yung tatlo naming kaibigang di pa rin nagigising. Nagsimula na kaming magsigawan ng marinig naming sumisigaw rin yung sa kabilang room. By 9am ng pagbuksan kami, mugto yung mata ng bawat isa. Dun ko lang nalaman na anim na rooms pala na occupied namin, sa anim na rooms na yun, may tatlong hinimatay. At sa anim na rooms na yun, may tig-isang namatay. Anim ang namatay. Tatlong babae, tatlong lalaki. At yung anim na yun, ay di namin kilala. Walang nakakakilala. Umuwi kaming gulong gulo at takang takang sa nangyari.
Ps. Di rin namin alam kung sino yung nagbubukas ng pinto namin.
Pps. Next kong isheshare yung history nung resort na yun.
-Crrslnsixandthree

Ang Bantay
Share ko lang po story ko. Nangyari to June 2016. 3 Months
pa lang nun ang baby ko. Mga 2am yun ng may marinig akong nagtitimpla na kape
sa kusina namin, so naisip ko baka yung tatay ko lang. But then naisip ko, wala
pala ang tatay ko dahil nagduty siya sa barangay hall (Brgy. Tanod siya).
Naisip ko ulit na baka yung nanay ko lang, pero nakita ko din na natutulog sila
ng dalawa ko pang kapatid. Yung husband ko naman ay natutulog sa tabi ko. So
natakot na ko that time. But I'm sure na sa kusina namin yun kasi ang lakas ng
tunog ng kutsarang tumatama sa tasa. Then pagtingin ko sa baby ko ang daming
langgam na nakapalibot sa kanya. Thank god hindi pumasok sa tenga niya. And
after that naisip ko na baka one of our grandparents na namatay yun, and
ginising ako to see my baby. Thanks to them.
-Angelou
Imaginary Friend
Isang araw naglalaro kami ng mga kaibigan ko ng pass the message sa tabi
ng canteen at dahil walang taya sinabi ng kaibigan ko na yung taya daw is yung
imaginary friend nya at dun na nagsimula umaacting pa kami na may kaakbay at
ung ang imaginary friend then kinagabihan pumunta kami sa isang teacher namin
at sinabi namin yun at dun namin napag alaman na may multo pala sa school namin
at dun daw sa may hagdan at canteen at sabi ng teacher namin wag daw kami
magbibiro baka daw sundan kami at pauwi na kami ako lang mag isa sa bahay
biglang gumalaw ang stufftoy kaya agad agad akong tumakbo palabas at paglabas
ko andun na ang stufftoy ko at tila papunta ito sa direksyon ko at biglang
dumating si mama at nawala ang stuff toy ko.
--LadyQuinne
Multo sa Kwarto
Dito sa aming bahay , meron akong mga kababalaghang
karanasan. Ako yung taong laging cellphone lang ang laging inatupag at laging
nasa kwarto lng. Even na may nararamdaman akong kakabalaghan sa kwarto ay lagi
parin akong nag s-stay. Pero isang gabi, hindi ko kinaya yung takot. Dahil lagi
kong pinag kakaabalahan yung cellphone ko, nagkataong nalowbat ako nung gabing iyon.
Kaya chinarge ko at nag aantay akong macharge kahit onti yung cp ko dahil may
importante akong ichachat.. habang nag aantay ako, naisipan kong humiga muna,
pag kalapag na pagkalapag ng aking katawan sa kama parang may sumabay sa akin
sa pag higa. Hindi ko pinansin yun kasi ayokong unahan ako ng kaba at takot.
Ninanais ko nang matulog kaso gustuhin ko man matulog ay may importante pa kong
ichachat, kaya pansamantalang ipinikit ko ang aking mga mata, nang may
naramdaman ako dahan dahang humahaplos sa kanan kong braso. Imposibleng
nananaginip ako! Pahigpit ng pahigpit yung hawak sa braso ko! Kaya bigla ako
tumayo at tumakbo palabas, ayoko nang lingunin kung ano man yun, baka sa pag
lingon ko'y hindi ko naising makita ang makikita ko! Pag labas ko ng aking
kwarto tinignan ko ang aking braso at nag iwan ito ng marka. Kaya nung
ikinwento ko sa aking magulang ay agad silang naniwala. Simula nun hindi na ko
nag lalagi sa aking kwarto, lagi na kong may kasama kung matutulog man.
Yun na po yung pinaka matindi kong karanasan , sana hindi
kayo nabored basahin 😊
D💜D
Miyerkules, Oktubre 5, 2016
The Murderer
Papunta na ako sa trabaho ko its already 2 am ng madaling araw. By the
way im call center agent sa makati.
Itong gabing to parang hindi katulad ng ibang gabi kasi may nararamdaman
ako na di ko alam kung ano. Habang naglalakad ako, may nararamdaman akong
sumusunod sakin pero I just ignore it.
Pasakay na ako nag van papunta ng work.
3:00 am ng nakarating ako sa work. Pang 13th floor ang office ng pinapasukan ko. I feel something
strange... I remember yung mga sinasabi ng officemates ko na tuwing 3 am may
babae sa elevator na duguan at papatayin ka nya. Well, I don't believe it. While nasa elevator ako nag music muna ako. 5th
na nang biglang namamatay matay ang ilaw ng elevator well di ko pinansin kasi
lagi na nangyayari sakin yan tuwing sumasakay ako. 7th floor. Biglang tumigil
ang elevator, bumukas ang door pero wala naman tao so i press the close button,
for the second time bumukas naman yung door ng elevator then sumarado na parang
may sumakay 10th floor namatay bigla yung light sa elevator for 5 minutes then
another 15 minutes after that I felt something na gumagapang na kamay sa
likod ko then sa paa hanggang sa neck na. Hanggang sa di na ako makahinga tapos
nang mawawalan na ako ng malay bumakas na ang ilaw then i saw the face of a
lady na nakatingin sakin na duguan ang mukha na walang mga mata.
-Dayan
White Lady
May isang bahay dito ung pinsan namin ung katapat non bahay na namin.
Sabi nung bago pa itayo ung bahay ng pinsan namin may nuno sa punso ung banda
sa may dulo na ngayon ay banyo na. Naging upahan to bago pa dumating ang
bagyong ondoy. Maraming umupa at maramii ring umalis at di nag tagal. Iisa lang
ang bukang bibig nila kung bakit sila umalis sa bahay na yun, may nakikita daw
silang palakad lakad na aninong malaki. Nung una hindi ako naniniwala dahil
hindi ko pa nakikita. Dumaan ung maraming taon hindi na siya pinaupahan ng
pinsan ko kaya dun muna kami natutulog ng ate ko. Isang gabi may kausap ako sa
Cellphone nandun ako non sa sala nakahiga kung saan ako natutulog. Hindi ko
alam kung bakit at anong dahilan kung bakit ako napalingon sa CR maya maya ay
may biglang gumapang na babae na nakaputi. Sobrang bilis niya at pumatong siya
sa katawan ko hawak hawak ang dalawa kong kamay. Mahaba yung buhok niya kaya
hindi ko makita ang mukha niya. Hindi ako makahinga ng mga oras na un. Kaya
pumikit na lang ako at dasal. Maya maya pa ay nawala na siyang bigla. Lumipas
ung ilang buwan napapansin ko na pag pumupunta ung ate ko sa bahay na un lagi
siyang inaantok na para bang ang wirdo niya. Ung tipong pag pasok niya palang
sa kwarto ng bahay na un aantukin na siya agad. Kaya pumunta ung mama ko sa
isang tao na pwede raw makapag paliwanag sa nangyayari sa bahay na un. Sabi ng
taong nilapitan ni mama may nag kakagusto daw sa ate isang aninong malaki.
Kinalibutan ako sa sinabi na un. Sinabuyan na lang ni mama ung buong bahay ng
asin may bisa raw iyon para nawala ang malignong nasa bahay na un. Kaya simula
non wala ng sinumang pumupunta sa bahay na iyon.
-Manru
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)